Peñaranda, Nueva Ecija – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Peñaranda PNP sa mga residente ng Brgy. San Mariano, Peñaranda, Nueva Ecija nito lamang Martes, Disyembre 27, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Roderick Corpuz, Officer-In-Charge ng Peñaranda Municipal Police Station kasama ang Tau Gamma Phi, Peñaranda Chapter.
Umabot sa 150 na bata ang nabigyan ng regalong laruan at libreng lugaw na tulong handog ng mga awtoridad.
Ito ay kaugnay sa CPNP peace and security framework na Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan=kaunlaran na naglalayong mapagtibay ang ugnayan ng PNP at pamayanan.
Source: Peñaranda Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3