General Santos City – Nagsagawa ng Indignation Rally ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa Queen Tuna Park hanggang sa Plaza, General Santos City nito lamang umaga ng Disyembre 26, 2022.
Ang aktibidad ay naglalayon na kondenahin ang ika – 54th Founding Anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Bandang alas 6:00 ng umaga ng sinimulan ng ating kapulisan mula sa Gensan PNP at Sarangani PNP katuwang ang mga ahensya ng gobyerno at Advocacy Support Groups na pinangungunahan ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa panghihikayat at panawagan na itakwil o tigilan na ang mga maling gawain ng CPP-NPA.
Sa kadahilanang 54 na taon na itong patuloy na nagdudulot ng kaguluhan at karahasan sa ating komunidad lalong lalo na sa ating mga kabataan.
Kaya’t patuloy ang panawagan ng ating gobyerno sa mga natitirang miyembro at pinuno ng CPP-NPA na talikuran na ang mga maling ideolohiya na kanilang ipinaglalaban at magbalik-loob sa ating gobyerno at tanggapin ang mga programa ng pamahalaan tungo sa pagkamit ng tunay na kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin