Tacloban City – Isinagawa ng Philippine National Police Academy Alumni Association Inc. (PNPAAAI) Eastern Visayas Chapter ang Pamaskong Handog 2022 at BIBLIYAnihan Program ng Tacloban City Police Office na ginanap sa Brgy. 106 Sto. Niño, Tacloban City nito lamang Miyerkules, Disyembre 21, 2022.
Ito ay pinangasiwaan ni Police Colonel Michael Palermo, City Director kasama ang iba pang opisyal na nakiisa sa aktibidad.
Mahigit kumulang 50 pamilya ang nakatanggap ng bigas at Noche Buena Package. Samantala, 101 bata naman ang nakatanggap ng mga laruan at Jollibee kiddie meal.
Upang maging mas makabuluhan ang aktibidad sa pagdiriwang ng Pasko, isang religious partner mula sa New Life Baptist Church of Children’s Ministry sa pangunguna ni Pastor Jezter Lagunzad, City Coordinator ng Bless the Cop (BOC) ang nagturo sa mga bata patungkol sa paglilihi kay Hesukristo.
Mensahe ni PCol Palermo, “Christmas is not only manifested by sharing of food for the table, gifts, and toys but also by sharing the words of God. At Tacloban City Police Office, we share the words of God with youngsters thru our BIBLIYAnihan Program”.