Malabon City — Tiklo ang isang miyembro ng “Salibio Criminal Gang” sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516 ng mga operatiba ng Malabon City Police Station nito lamang Huwebes, Disyembre 21, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Amante Daro, Acting Chief of Police ng Malabon CPS, ang suspek na si alyas Alfredo Almario, 50, at residente ng Barangay Tañong, Malabon City.
Ayon kay PCol Daro, bandang 11:45 ng gabi nang makatanggap sila ng sumbong mula sa isang Barangay Information Network (BIN) kung saan namataan ang suspek na gumagala sa Malabon Public Market sa F. Sevilla St., Barangay Tañong, Malabon City, na naka-belt bag at nakasukbit sa kanang baywang ang baril. Agad namang rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek.
Nakumpiska sa kanya ang isang unit ng Caliber .38 revolver na walang serial number at kargado ng limang live ammunitions, isang MK2 hand grenade na nakapaloob sa isang kulay na black belt bag, at isang Voter’s Identification card.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions at RA 9516 o Unlawful Possession of Explosives.
Patuloy na hinihikayat ng PNP ang publiko na makipagtulungan sa kanila upang matamasa ang kaayusan at katahimikan sa kanya-kanyang lugar.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos