Caloocan City — Arestado ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ng Caloocan City Police Station nito lamang Martes, Disyembre 21, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas Sharmaine Arellano, 36, at alyas Jonathan Arellano, 46, pawang mga residente ng Barangay 161, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Rose. St., Barangay 161, Caloocan City ng mga tauhan ng Sub-Station 6, Caloocan CPS.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.86 gramo at may Standard Drug Price na Php12,648 at isang Caliber 38 revolver.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 ng RPC (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), Section 11 (Possession of Dangerous Drug) Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Paiigtingin naman ng Northern Metro ang pagpapatrolya sa naturang lungsod upang masupil ang talamak na bentahan ng ipinagbabawal na gamot at makamtan ang ligtas at mapayapang pamayanan.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos