Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Cauayan Airport PNP sa pangunguna ni Police Captain Julio P Maribbay sa mga batang kapus-palad bilang pamaskong handog na ginanap sa Cauayan Airport Police Station sa Brgy. San Fermin, Cauayan City noong ika-19 ng Disyembre taong kasalukuyan.
Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng parlor games na may papremyo, pamamahagi ng bigas, cash gifts at feeding program na sobrang kinagiliwan ng mga bata.
Katuwang ang mga Brgy. Officials ng San Fermin, Guardians at ibang stakeholders sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.
Ang sama-samang pamamahagi ng mga stakeholders ay malaking bagay sa tagumpay ng aktibidad at kasabay ang selebrasyon ng kaarawan ng isang anak ng stakeholder kung saan nadagdagan ang inihandang pagkain na pinagsaluhan ng mga bata at magulang.
Ginawaran naman ng sertipiko ng pagkilala ang mga stakeholders na nagbahagi para sa aktibidad bilang pasasalamat sa mga ito.
Ayon kay PCpt Maribbay, layunin ng aktibidad na ito na maiparamdam sa mga batang kapus-palad ang tunay na diwa ng pasko ng pagmamahalan at pagbibigayan kung saan naging tema ng aktibidad ang “sharing is caring”.
Nais ng kapulisan ng Cauayan Airport na makapagbigay saya sa mga batang pinagkaitan ng masaganang pamumuhay.
Source: Cauayan Airport Police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos