Valencia City, Bukidnon – Arestado ang Top 10 City Most Wanted Person sa kasong Frustrated Murder ng Valencia City PNP nito lamang Miyerkules, Disyembre 21, 2022 sa Purok 4, Brgy. Batangan, Valencia City, Bukidnon.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edward Agpalza, Officer-In-Charge ng Valencia City Police Station, ang suspek na si alyas “Reyes”, 48, residente ng Purok 10, Brgy. Poblacion, Valencia City, Bukidnon.
Ayon pa kay PLtCol Agpalza, dakong 8:10 ng umaga nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Valencia City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa paghuli sa mga Wanted Persons sa bawat nasasakupan para mapanatili ang kaayusan at mapayapang komunidad na naghahangad ng kaunlaran.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10