Batac – Arestado ang Top 3 Provincial Most Wanted Person sa kasong Lasciviousness Conduct at Act of Lasciviousness sa ikinasang operasyon ng Batac City Police Station sa Brgy. Payao, Batac City, Ilocos Norte nito lamang Lunes, ika-19 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Adrian Gayuchan, Acting Chief of Police ng Batac City Police Station, ang suspek na si alyas Froilan, 47, at residente ng Brgy. Payao City of Batac, Ilocos Norte.
Ayon kay PLtCol Gayuchan, bandang 10:15 ng umaga nang maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Lasciviousness Conduct at Act of Lasciviousness na may rekomendadong piyansa na Php200,000 at Php108,000.
Ang Batac City PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolman Joshua A Jimenez