Eastern Samar – Patuloy ang pagsasagawa ng Sulat Municipal Police Station ng P.N.P. C.A.R.E.S Program na ginanap sa Sulat, Eastern Samar nitong Lunes, Disyembre 12, 2022.
Ang aktibidad ay matagumpay na isinagawa sa pangunguna ni Police Lieutenant Antonico Docena, Officer-In-Charge, kasama ang mga tauhan nito.
Naging benepisyaryo ng naturang aktibidad ang 130 na estudyante ng Kinder at Grade 1 hanggang Grade 6 pupils ng Maglipay Elementary School na nabigyan ng P.N.P. C.A.R.E.S. Project o ang Pencil, Notebook, Paper, Crayons, Artbook, Ruler, Eraser, Sharpener.
Kasabay nito, naibahagi rin sa mga kabataan ang Online Sexual Exploitation of Children at RA 7610 upang magkaroon sila ng kamalayan at kaalaman sa nasabing batas.
Ang proyekto ay nilalayong makapagbigay ng munting tulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga pangangailangan sa paaralan.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nagkakaroon ng matibay na pakikipagtulungan at pinapalakas ang partisipasyon ng komunidad sa mga programang pangkapayapaan at kaligtasan ng publiko.