Isa na namang karangalan ang natamo para sa Sipalay City Police Station nang pinasinayaan at binasbasan ang kanilang bagong natapos na PNP Standard City Police Station building sa Brgy. Gil Montilla, Sipalay City, Negros Occidental nito lamang Disyembre 12, 2022.
Nagsimula ang aktibidad sa panalangin ni Pastor Samuel Garcia ng Sipalay City Baptist Church at sinundan ng ribbon cutting at unveiling ng marker ng gusali na pinangunahan ni Hon. Maria Gina M Lizares, City Mayor kasama sina Police Colonel Leo B Pamittan, NOCPPO Provincial Director, PCol Algen Taba, Chief, Engineering Support Unit; PMaj Bryan Sagayadoro, Chief, Sipalay CCPS; Hon Jeffrey Tubola, 6th District Board Member at si Rodney Gustilo, 3rd District Engineer DPWH.
Ang pagbabasbas ng gusali ay pinangunahan ni Pastor Garcia.
Sa nasabing seremonya ay tumanggap din ang Sipalay CCPS ng bagong led TV mula kay Board Member Tubola na gagamitin ng mga tauhan sa iba’t ibang pagpupulong.
Dumalo rin sa naturang aktibidad ang 2nd NOCPMFC sa pangunguna ni PLtCol John Mocyat, Force Commander, Philippine Coastguard, Bureau of Fire Protection, Sipalay LGUs.
Naging tampok ng kaganapan ang mga mensahe ng butihing alkalde ng Sipalay City na si Hon. Lizares na nagbigay ng kanyang lubos na pasasalamat at sa wakas ay natapos na ang ipinapatayong building na magsisilbing tahanan at isa sa mga intrumento upang magampanan ng maayos ng ating kapulisan ang kanilang tungkulin sa pagbibigay serbisyo sa bayan.