Nakatanggap ng ayudang pangkabuhayan ang 136 na pamilya ng Barangay Cabuluan, Alcala, Cagayan sa ilalim ng Project ARUGA (Allocation of Livestock for the Economic Recovery of the indigent families through United Government Approach) ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), kahapon Disyembre 1, 2021.
Naging katuwang ng PNP ang Department of Science and Technology (DOST) Region 2 at Department of Agriculture (DA) 2 sa pagpapaabot ng tulong sa mga benepisyaryo.
Pinangunahan ni Police Colonel Renell R Sabaldica, Provincial Director ng CPPO, ang pamamahagi ng mga naturang sisiw. Bawat pamilya ay nakatanggap ng isang dosena o 12 na sisiw na kanilang palalakihin at pararamihin upang magsilbing kanilang pangkabuhayan. Nasa 1572 na sisiw ang naipamahagi ng naturang proyekto.
Dumalo rin sa programa sina Police Lieutenant Emil Q Pajarillo; Police Captain Sharon C Mallillin; Pastor Danny Punay, Regional Coordinator, My Brother’s Keeper-Life Coach; Ferdinand Michael B Magusib, Science Research 1, DOST; George Taguinod, kinatawan ng DA; Janette Bagain, Principal, Cabuluan Elementary School; mga opisyales ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Rufo Baculi; at mga Barangay Health Workers.
Samantala, nagsagawa rin ng feeding program para sa mga dumalo at namahagi ng Alternative Learning System T-Shirts at Starbook sa Cabuluan Elementary School.
Ayon kay PCol Sabaldica, layon ng proyekto na ihatid ang serbisyo ng pamahalaan lalo na sa mga liblib na lugar na binibisita ng mga teroristang grupo at para maramdaman ng taumbayan ang pagmamahal ng PNP Cagayan Valley sa pangunguna ni PBGen Steve Ludan. ###
Source: Cagayan PPO
####
Panulat ni: Police Corporal Carla Mae P Canapi
Tatak PNP
May puso at malasakit
#tagataguyod