Butuan City – Nakatanggap ng maagang pamaskong handog ang mga former rebels sa isinagawang Paskuhan sa Butuan City Police Office, Butuan City nito lamang Biyernes, Disyembre 9, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Marco Archinue, City Director ng Butuan City Police Office katuwang sina Police Lieutenant Colonel Sandy Dacera, Chief ng Butuan City Community Affairs and Development Unit at Pastor Ronel Abendanio, BCPO life coach.
Dinaluhan ito ng pitong former rebels kasama ang kanilang mga pamilya kung saan nakatanggap ng grocery items, food packs at ice cream.
Pinasalamatan naman ni alyas āEdgarā, isa sa mga former rebels ang Butuan PNP sa kanilang maagang pamasko na natanggap at nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanila mula ng sila ay nagpasyang magbalik-loob sa gobyerno.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13