Maguindanao – Namahagi ng relief goods ang Maguindanao Police Provincial Office sa mga residente ng Brgy. Bagumbayan, Kabuntalan, Maguindanao del Norte noong Disyembre 9, 2022.
Pinangunahan ni PLtCol Regie Abellera, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit ang nasabing pamamahagi ng relief goods katuwang ang Kabuntalan MPS, sa pamumuno ni PLt Anuar Mamabatao.
Sari saring relief goods ang ipinamahagi na kinabibilangan ng bigas, delata, damit at iba pa.
Ang nasabing aktibidad ay kaugnay sa programa ng PNP Chief ang MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran.
Ang PNP PRO BAR ay walang sawang ipapadama sa komunidad ang totoong diwa ng kapaskuhan ang “Pagbibigayan” para makamit ang kaayusan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia