Kauswagan, Cagayan de Oro City – Muling isinagawa ng Cagayan de Oro City PNP ang Taos-Pusong Handog ni City Director na may temang “Higalang Pulis, Kapanalig Kailanman” sa Jollibee Diversion Road, Kauswagan, Cagayan de Oro City nito lamang Huwebes, Disyembre 7, 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Colonel Aaron Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City Police kasama si Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10.
Nasa 75 na bata, 30 na magulang at 15 na pamilya galing sa Brgy. Besigan, Cagayan de Oro City ang naging benepisyaryo ng naturang programa.
Nagkaroon ng maagang pamasko tulad ng pagbibigay ng food packs at Php1,000 sa bawat pamilya at pinagsaluhan ang Jollibee meals na nagbigay ng ngiti sa mga bata at magulang.
Ang naturang aktibidad ay upang ipadama sa mga kabataan ang malasakit ng CDO PNP kaugnay sa peace and security framework ng CPNP na M+K+K=K at KASIMBAYANAN Program o Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10