Wednesday, November 20, 2024

Php170K halaga ng shabu nasabat; 2 HVI arestado ng CALABARZON PNP

Dasmarinas, Cavite – Tinatayang Php170,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang High Value Individual (HVI) sa ikinasang joint buy-bust operation ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at Regional Drug Enforcement Unit sa Brgy. Paliparan 3, Dasmarinas, Cavite nito lamang Miyerkules, ika-7 ng Disyembre 2022.

Kinilala ni Police Colonel Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang dalawang suspek na si alyas “Raida”, 31 at alyas “Pagi”, 35, pawang walang trabaho at residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Police Colonel Olazo, bandang 7:00 ng umaga nang nahuli ang dalawang suspek sa naturang barangay ng mga pinagsanib na puwersa ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU).

Narekober sa dalawang suspek ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25 gramo na may tinatayang halaga na Php170,000, isang pirasong Php500 bill, 65 piraso ng Php1,000 fake money na ginamit bilang buy-bust money.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nagpahayag naman ng lubos na pasasalamat si PCol Olazo sa walang patid na pagsisikap ng ating pulisya at ipagpatuloy ang pagpatupad ng mas pinaigting na kampanya laban sa droga upang manatiling ligtas na lugar ang lalawigan ng Cavite para manirahan, magtrabaho at magnegosyo.

Source: Cavite Police Provincial Office-PIO

Panulat ni PEMS Joe Peter V Cabugon, RPCADU 4A

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles