Balulang, Cagayan de Oro City – Boluntaryong sumuko ang Medic Officer ng New People’s Army sa Cagayan de Oro PNP sa Upper Balulang, Cagayan de Oro City nito lamang Martes ng ika-6 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joepet Paglinawan, Force Commander ng City Mobile Force Company, ang boluntaryong sumuko na si alyas “Aya”, 21, miyembro ng New People’s Army – Guerilla Front 68, SRC 4 North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) bilang isang Medic Officer at residente ng Dominorog, Talakag, Bukidnon.
Kasabay ng boluntaryong pagsuko nito ay ang pagturn-over ng isang unit ng M14 Rifle na may Serial no. 3847074, isang steel magazine na may lamang limang M14 na bala.
Ang pagsuko ng naturang NPA ay dahil sa inisyatibo ng mga tauhan ng City Mobile Force Company kasama ang Regional Intelligence Division 10, Regional Intelligence Unit 10, Area Police Command – Eastern Mindanao, City Intelligence Unit at Cagayan de Oro City Police Station 4.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy ang panawagan sa mga natitirang miyembro ng makakaliwang grupo na magbalik-loob sa pamahalaan para sa isang maayos, payapa at maunlad na bayan.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10