Iginawad ng Quirino PNP sa isang ginang ang kwartong matutuluyan sa proyektong “Kwarto ni Neneng” sa Brgy Gulac, Diffun, Quirino nito lamang Disyembre 5, 2022.
Naisakatuparan ang proyekto sa pangunguna ni Police Major Juanito Balite Jr, Chief of Police ng Diffun Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ni PLtCol Ramon Macarabbu Jr, Chief, PPSMU ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGTPD), kasama ang Diffun MPS, at Barangay Officials ng Brgy. Gulac, Diffun, Quirino.
Kasabay ng turn-over sa Kwarto ni Neneng ay ang pamamahagi ng grocery at good packs sa pamilya nina Ginang Ganal na siyang naging benepisyaryo ng proyekto.
Lubos naman ang pasasalamat ni Gng. Ganal sa mga kapulisan sapagkat siya ang napiling maging benepisyaryo at sa maagang pamaskong kanyang natanggap.
Layon ng proyektong ito na tugunan ang pangangailangan ng ating kababayan lalo na usaping protektahan ang mga batang kababaihan nang sa gayon maiwasan at mabawasan ang mga insidente ng rape sa lugar.
Source RPCADU 2
Panulat ni PCpl Jeff John Nabasa