Maguindanao del Norte – Nakiisa ang 3rd RMFC-Regional Mobile Force Battalion BASULTA sa isinagawang Pamaskong Handog Outreach Program sa Barangay Balagtasan, Lamitan City, Basilan noong Disyembre 5, 2022.
Pinangunahan ni PCpt Kiefer Dean Beray, Company Commander, RMFC-RMFB BASULTA ang pakikiisa sa nasabing aktibidad na may temang “Kasiyahan mo ngayong Pasko, Sagot ko.”
Nakiisa rin sa ang 53rd at 54th SAC PNP SAF, Bravo Battery-1st Field Artillery Battalion, JCI Basilena-Basilan at Basilan General Hospital.
Kasama sa nasabing aktibidad ang libreng pagcheck-up sa ngipin, blood chemistry test, libreng gupit, pamamahagi ng tsinelas, laruan at pagkain.
Layunin ng aktibidad na ipadama ang totoong diwa ng kapaskuhan ang “pagbibigayan” at ipaabot ang kahalagahan ng masayang pasko sa tulong ng ganitong aktibidad.
Patunay na sa ganitong aktibidad ang PNP ay laging nandiyan at handang ipadama sa komunidad ang malasakit at totoong diwa ng kapaskuhan para makamit ang pagkakaisa tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia