Maria Cristina, Iligan City – Arestado ang isang welder sa kasong Frustrated Murder ng Iligan PNP sa Sitio Nunocan, Maria Cristina, Iligan City nito lamang Lunes, Disyembre 5, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominador Estrada, City Director ng Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Marl”, 45, welder at residente ng Purok 31-A, Zone 13, Maria Cristina, Iligan City.
Ayon kay PCol Estrada, naaresto ang suspek dakong 7:18 ng umaga ng mga operatiba ng Iligan City Police Station 2 – Tracker Team at Iligan City Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Patuloy ang Iligan PNP sa paghuli sa mga Wanted Persons sa tulong ng komunidad para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10