Tacloban City – Tinatayang Php353,600 na halaga ng shabu ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station 3 sa Barangay 97, Cabalawan, Tacloban City nitong ika-5 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Captain Juan Eliezer Abellon, Officer-In-Charge, ang suspek na si alyas “Mon”, 27, driver, residente ng GMA Kapuso Village, Barangay 106, Sto. Niño, Tacloban City.
Ayon kay PCpt Abellon, naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Tacloban Police Station 3 – Drug Enforcement Unit at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 8.
Narekober sa possession ng suspek ang 12 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na may tinatayang timbang na 52 gramo at nagkakahalaga ng Php353,600.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang nasabing operasyon ay kaugnay sa BIDA Program ng DILG na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” na may mithiing mas mapaigting ang laban kontra ilegal na droga at kriminalidad.