San Mateo, Rizal – Tinatayang Php306,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Linggo, ika-4 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Sano”, 35 at alyas “Daria”, 28, pawang mga residente ng San Mateo, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 3:15 ng madaling araw nang naaresto ang dalawang suspek sa Marang Road, Brgy. Maly, San Mateo, Rizal ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit.
Narekober sa dalawang suspek ang 11 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 45 gramo na nagkakahalaga ng Php306,000, isang itim na sling bag, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, limang pirasong Php100 bill na recovered money at isang unit ng Yamaha Mio motorcycle na walang plaka.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Rizal PNP ay palaging nakahanda na pagsilbihan at protektahan ang publiko laban sa anumang krimen at ilegal na droga upang mapanatili na ligtas at mapayapa ang buong lalawigan ng Rizal.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A