Tacloban City – Nagsagawa ng Tree Planting at Clean-up Drive ang mga tauhan ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 na ginanap sa Brgy. Camansihay, Tacloban City nito lamang Linggo, Disyembre 4, 2022.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Philippine Red Cross sa pamamagitan ng suporta ng proyekto ng Netherlands Red Cross na pinamagatang “Integrated Coastal Zone Management (ICZM)”.
Kasama sa nakilahok si Police Captain Joet Micah Evangelista, Officer-In-Charge ng 805th Maneuver Company kasama ang KKDAT ng 805th MC Chapter, I love Tacloban Youth Organization, mga tauhan ng Philippine Coast Guard, CENRO, Department of Education, DENR R-VIII at mga residente mula sa Tacloban City.
Matagumpay na naitanim ang 300 na iba’t ibang seedlings sa nasabing lugar sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng mga nabanggit na kalahok.
Ipinakita sa naturang aktibidad ang pagtataguyod ng pangangalaga sa kapaligiran at kinikilala ang pakikilahok at kontribusyon ng mga kabataan sa komunidad. Gayundin, hinikayat nito ang mga indibidwal na iligtas ang kapaligiran dahil ito ay isang magandang paraan para ipakita ng komunidad na ang greener earth ang kailangan natin.
Layunin ng aktibidad na ito na mapaigting ang relasyon ng PNP sa komunidad at mapagtibay ang Core Values ng pagiging Makakalikasan alinsunod sa Peace and Security Framework na Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan=Kaunlaran (MKK=K).