Maguindanao del Norte – Nagsagawa ng Pamaskong Handog o pamamahagi ng gift packs ang Regional Mobile Force Battalion 14 sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng sa Sitio Lanang, Purok 1, Brgy. Magsaysay, Parang, Maguindanao del Norte noong Disyembre 3, 2022.
Pinangunahan ni PLtCol Argel Ancheta, Force Commander, RMFB 14, ang nasabing aktibidad na may temang “Kasiyahan mo ngayong Pasko, Sagot ko.”
Nasa 150 pamilya ang naging benepisyaryo ng nasabing aktibidad na kung saan ay nakatanggap sila ng Noche Buena package, grocery items, ice cream, at tsinelas.
Layunin ng aktibidad na ipadama ang totoong diwa ng kapaskuhan ang “Pagbibigayan” at ipaabot na kahit anong nangyaring sakuna ay tuloy pa rin ang masayang pasko sa tulong ng ganitong aktibidad.
Patunay na sa ganitong aktibidad ang PNP ay laging nandiyan at handang ipadama sa komunidad ang malasakit at totoong diwa ng kapaskuhan para makamit ang pagkakaisa tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia