Misamis Occidental – Arestado ang Top 7 Provincial at Municipal Most Wanted Person sa kasong Murder sa isinagawang “Oplan Pagtugis” ng Misamis Occidental PNP sa Red Cross Building, Capitol Compound, Purok 4, Lower Lamac, Oroquieta City, Misamis Occidental nito lamang Huwebes, ika-01 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Colonel Marlon Quimno, Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Elmer”, 44, residente ng Purok 2, Upper Lamac, Oroquieta City, Misamis Occidental.
Ayon kay PCol Quimno, dakong 9:20 ng umaga nadakip ang suspek ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Misamis Occidental – Provincial Field Unit, Oroquieta City Police Station at Sapang Dalaga Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang kaukulang piyansa.
Ang Misamis Occidental PNP ay patuloy sa paghuli sa mga Wanted Persons sa kanilang nasasakupan para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng probinsya.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10