San Juan City — Nagsagawa ng Community Outreach Program at Awareness Lecture ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa Brgy. Corazon de Jesus, Basketball Covered Court, San Juan City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 30, 2022.
Ang naturang aktibidad ay personal na pinangunahan ni Police Colonel Elpidio Ramirez, Chief of Police kasama ang SCADS personnel sa pangunguna ni Police Major Darius Agmaliw, Chief, SCADS at mga tauhan ng Sub-Station 4 ng San Juan CPS.
Aktibong dinaluhan ito ng 100 na Solo Parents mula sa 21 Barangay ng lungsod sa pamumuno ni Ms. Jocelyn H Habil, President ng Solo Parent sa naturang Lungsod.
Ito ay kaugnay sa ika-159th Bonifacio Day Celebration kung saan ito rin ay nilahukan ng KKDAT San Juan at ng mga Barangay Officials ng Barangay Corazon de Jesus.
Nagkaroon naman ng talakayan patungkol sa Crime Prevention, Anti-Illegal Drugs at RA 11313 (Bawal Bastos Law) kasabay ng pamamahagi ng food packs sa mga kalahok.
Naglalayon ang nasabing aktibidad na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng komunidad at pulisya sa pamamagitan ng pagtugon sa panlipunang mga pangangailangan sa tulong ng empowerment ng mga kababaihan bilang Solo Parents. Ito rin ay bahagi ng Malasakit program ng PNP na maipadama sa kanila na ang PNP ay handang tumulong sa anumang oras at pagkakataon.
Source: San Juan City PS
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos