Sultan Kudarat – Dalawang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Columbio, Sultan Kudarat noong Disyembre 1, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga sumuko ay dating miyembro ng Political Organizer Mindanao Region Guerilla Unit (MRGU) at Armed Propaganda Team (APT) sa ilalim ng Guerilla Font (GF) -74 na karaniwang nag-ooperate sa ilang lugar sa probinsya ng Davao Del Sur, North Cotabato, South Cotabato, Sarangani Province at sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Batid ding isinuko ng mga Former Rebels ang isang yunit ng M16 riffle; isang plastic magazine na may 20 piraso ng bala na 5.56mm; isang homemade M79 at isang homemade caliber gauge 20.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Columbio Municipal Police Station ang dalawang FR upang sumailalim sa patuloy na debriefing at paghahanda ng mga dokumento upang magkaroon ng mga benepisyong hatid ng Enhanced – Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) mula sa ating gobyerno
Dagdag pa ni PBGen Macaraeg, sa patuloy na pagbabalik-loob ng mga dating miyembro ng mga komunistang grupo ay nagpapakita lamang ng kanilang katapatan at pagtitiwala sa ating gobyerno.
“Ang kanilang pagsuko ang nagbukas ng pinto sa kanilang bagong buhay. Maraming mga dating rebelde ang nabigyan na ngayon ng bagong pag-asa at mas malalaking pagkakataon. Buhay silang patunay na mabuti ang hangarin ng gobyerno na wakasan ang digmaan at bigyan ng mapayapang komunidad ang bawat mamamayan,” ani PBGen Macaraeg.
Source: Police Regional Office 12 – Public Information Office