Pasay City — Tinatayang Php204,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mag-ina at sa isa pang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District nito lamang Miyerkules, Nobyembre 30, 2022.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng SPD ang mag-ina na sina alyas “Kim”, 44 at alyas Alain, 24, at ang kanilang kasamahan na si alyas Celso, 20.
Ayon kay PBGen Kraft, naaresto ang nga suspek sa kahabaan ng Road 4, Pildera 2, Barangay 193, Pasay City bandang alas-9:20 ng gabi ng mga operatiba ng SPD-Drug Enforcement Unit.
Nasabat sa kanila ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang 30 gramo ang timbang at may Standard Drug Price na Php204,000, isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money at isang white/brown coin purse.
Mahaharap ang mga nahuling suspek sa paglabag sa Sections 5 at 11, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy pa ding nagpapaalala ang kapulisan ng Southern Metro sa mga indibidwal na itigil na ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot dahil hindi sila titigil sa pagsupil sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lungsod.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos