Cagayan de Oro City – Isinagawa ang Ceremonial Lighting of Christmas Tree and Lanterns ng Police Regional Office 10 sa Camp Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang Martes, ika-29 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay masayang pinangunahan ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10 kasama si Police Lieutenant Teddy David, Regional Pastoral Officer ng PRO 10.
Sa naturang seremonya ay isinagawa ang pagpapailaw ng Christmas Tree at mga Lanterns na nagbigay ng liwanag sa buong kampo na may temang “Pasko ng Pagkakaisa: Handog ay Malasakit, Kaagapay ang Kapulisan, Simbahan at Mamamayan.”
Nagkaroon rin ng Audio Visual Presentation ng PNP Christmas ID 2022 “PNP Para sa Bayan” at pagkanta ng Christmas songs na hatid ng PRO 10 Band.
“Kasabay ng pagsindi ng mga ilaw at mga parol ngayong gabi ay ang ating panalangin na magkaroon ng buong pusong serbisyo na hatid ay malasakit, kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng ating bayan,” pahayag ni PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10