Negros Occidental – Matagumpay na idianaos ang Moving Up Ceremony para sa mga nagtapos ng Community Base Drug Rehabilitation Program (CBDRP) sa mga 85 na dating mga biktima ng ipinagbabawal na droga o Persons Who Used Drugs (PWUDs) na ginanap sa Brgy Guadalupe Covered Court, San Carlos City, Negros Occidental nito lamang ika-28 ng Nobyembre 2022.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station, kasama ang mga kawani ng DILG San Carlos at mga Pamilya ng PWUD graduates at Brgy. Officials na isinagawa ng Local Government Unit ng nasabing lungsod.
Ang Community Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ay isang programa ng ating pamahalaan na naglalayong tulungan at repormahin ang mga PWUDs na magbagong buhay at maging masunurin at tapat sa batas bilang mga mamamayan ng ating lipunan.
Sa pagtatapos ng mga 85 na mga PWUDs na dumaan sa 10 days na intensive phase ng CBDR Program ay ginawaran sila ng mga certificate bilang pagkilala sa matagumpay na pagtatapos ng nasabing programa kasabay nito ang pamimigay din sa kanila ng mga kanilang pangunahing pangangailangan.
Ang buong himpilan ng PNP ay kaisa ng komunidad sa paghahanap ng mga solusyon at alternatibo upang matulungan ang lahat ng ating mga kababayang nais magbagong buhay at magsimulang muli.