Nagsagawa ng symposium ang Santiago PNP kasama ang RPCADU 2 bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month sa Patul Elementary School noong ika-28 ng Nobyembre 2022.
Naging kaisa ng pulisya ang mga guro sa naturang paaralan at mga magulang sa pagsagawa ng aktibidad sa pangunguna ni Ma. Katherine Manuel, PTA President.
Aktibong nakinig ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng Anti-Bullying Act (RA 10627) at “The use of Social Media responsibly”.
Pagkatapos ng symposium ay nagsagawa din ng dance fitness activity sa pangunguna ni PCpl Jeff John Nabasa ng PNP Fitness Team kung saan lalong nagpasaya sa 350 na mga estudyante.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay napapalawig ang kanilang kaalaman ukol sa paksang tinalakay at nagagabayan sila sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang makaiwas sa mga ilegal na gawain at gamitin ang social media ng naaayon at makakatulong sa kanilang pag-aaral.
Source: PCADG Cagayan Valley
Panulat ni PCpl Jermae D Javier