Bulan, Sorsogon – Nagsagawa ng KASIMBAYANAN Outreach Program ang mga tauhan ng Sorsogon 2nd PMFC sa mga mag-aaral ng Kindergarten ng Barangay Zone 2, Bulan, Sorsogon nito lamang Nobyembre 28, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PLtCol Edmundo Cerillo Jr., Force Commander, katuwang ang Class 2018 Batch MALAGABLAB at Community Adviser na sina Ms. Jessa at Irish ng Jesus Is Alive Forevermore Church- Bulan, Sorsogon.
Namahagi ng libreng meryenda ang nasabing mga grupo sa mga bata ng nabanggit na barangay at nagbigay naman ng saya ang Community Adviser sa pamamagitan ng isang worship song na nilapatan ng isang nakakaindak na sayaw.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-30th National Children’s Month na may Temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan!”.
Ito rin ay alinsunod sa programa ng kasalukuyang Hepe ng Pambansang Pulisya na si PGen Rodolfo S Azurin Jr., na Revitalized PNP KASIMBAYANAN na naglalayong patatagin ang ugnayan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan at MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na may layuning tulungan at iparating ang mga serbisyo sa ating mga kababayan.
Source: Sorsogon 2nd PMFC