Puerto Princesa City – Dalawang miyembro ng New People’s Army ang boluntaryong sumuko sa ating mga kapulisan ng Puerto Princesa City Police Office sa Brgy. Concepcion, Puerto Princesa City noong ika-26 ng Nobyembre 2022.
Kinilala ni Police Colonel Roberto Bucad, City Director ng PPCPO, ang mga sumuko na sina “Ka Dulpo” at “Ka Jinky”, kapwa residente ng Barangay Concepcion, Puerto Princesa City at parehong na-recruit sa Communist Terrorist Group ni “Ka Gilgert Silagan” sa ilalim ng Command ni “Bonifacio Magramo” at nagsilbi bilang mga miyembro ng squad.
Alinsunod dito, naging fulltime na miyembro ng NPA si “Ka Dulpo” noong Marso 1998 habang si “Ka Jinky” ay naging ganap na miyembro noong Disyembre 1998.
Ayon kay PCol Bucad, boluntaryong sumuko ang mga ito dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Mobile Force Company, Criminal and Investigation Unit, Police Station-PPCPO, PNP Intelligence Group, Regional Intelligence Unit MIMAROPA, 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company, 3rd District Representation of The Province of Palawan at sa pakikipagtulungan ng Kapatiran ng Dating Rebelde (KADRE).
Ayon pa kay PCol Bucad, si “Ka Dulpo” ay isinuko rin niya ang isang homemade caliber .38 revolver na may apat na mga bala.
Dagdag pa ni PCol Bucad, ang mga dating rebelde ay sumasailalim na ngayon sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Source: Puerto Princesa City Police Office
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus