Batangas — Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa Sitio, Punas, Brgy. Ang Balibago, Batangas nito lamang Linggo, Nobyembre 27, 2022.
Kasabay nito ang Tree Planting Activity nila sa Brgy Poctol, San Juan, Batangas kung saan personal na pinangunahan ni Police Colonel Elpidio Ramirez, Chief of Police ng San Juan CPS ang mga naturang aktibidad, kasama ang mga tauhan ng SCADS at Bike Patrollers.
Aktibo rin itong sinuportahan ni Ms. Marilou Lee, SIKAP Advisory Council/President KKDAT Adviser/KASIMBAYANAN LADY Ambassador.
Nagsimula ang aktibidad sa Tree Planting sa pakikipagtulungan ni Hon. Ronel B. Sinag, Kapitan ng Barangay Poctol; at Engr. Abelardo Bragas, Direktor ng Department of Agriculture and Forest Ranger/Volunteer.
Nakapagtanim ng mahigit 80 Mangrove Trees sa gilid ng ilog na syang nagbibigay proteksyon sa lugar. Ito din ay isa sa PNP Core Values na “MAKAKALIKASAN” na patuloy na ginagampanan at pinapayabong ng pulisya.
Sa huling parte ng programa ay nagkaroon ng Adopt a School and Students Program at Story Telling sa 25 na mag-aaral mula sa Punas Elementary School na sinundan ng pamamahagi ng School Supplies, School Shoes, Snacks at bottled water.
Nakatanggap din ang mga residente ng lugar ng food packs, sabon, tsinelas at damit na maaaring magamit sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang pangangalaga sa kapaligiran at pagtulong sa mga kapus-palad ay bahagi ng programa ng PNP na malasakit sa kapwa, kalikasan at higit na paglingkuran at protektahan ang mamamayan.
Source: Sanjuancity Pulis
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos