Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Cagayan Tourist Police Unit sa Brgy. Namabbalan Sur, Tuguegarao City, Cagayan noong ika-25 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Unit 2, Regional Police Community Affairs and Development Unit 2 at mga kawani ng Provincial at Municipal Tourism ng Cagayan.
Sa pagkakaisa ng mga grupo ay nakapagtanim ang mga ito ng may kabuuang 100 na narra seedlings sa nasabing lugar.
Ang naturang aktibidad ay bilang suporta sa Project T.O.U.R (Talakayan sa Radyo, Obligasyong Magtanim at Maglinis, Ugnayan sa Barangay at Responsableng Bantay Turista) ng Cagayan Tourist Police Unit.
Ito ay naaayon sa programa ni Chief, PNP na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran (MKK=K) at isa sa PNP Core Values na “Makakalikasan” na naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.
Source: Cagayan North TPU
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag