Quezon City — Nilahukan ng iba’t ibang sektor ng ahensya ng gobyerno, mga Spiritual Leaders at Non-Government Agencies ang Grand Launching ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program ng Department of Interior and Local Government (DILG) nito lamang Sabado, Nobyembre 26, 2022.
Nagtipon-tipon ang mga kalahok bandang alas-4:00 ng madaling araw sa Quezon Memorial Circle bilang pakikiisa at suporta sa adhikain ng programa na tapusin ang ilegal na droga sa bansa.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni Atty. Benjamin C Abalos, Jr., Secretary, DILG kung saan kanyang nabanggit na ang problema ng droga ay matatapos sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa at putulin ang ugat ng pinagmumulan nito.
Parte ng aktibidad ang walkathon na nilahukan ng mga miyembro ng PNP, BJMP, at BFP, at Zumba.
Prinesenta naman ang Audio-Visual presentation ng BIDA program na tampok ang mga dating nalulong sa droga na nagbagong-buhay at ang pagkakaisa ng lahat ng ahensya laban sa ilegal na droga.
Sa pagtatapos ng aktibidad, hindi lang paglulunsad ng naturang programa ang naisagawa kundi pagpapakilala sa tunay na adbokasiya nito ang naibahagi sa publiko tungo sa pagkamtan ng kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bansa, at makamit din ang maging isang drug-free country.
PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos