Dasmariñas, Cavite – Tinatayang Php340,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang High Value Individual kabilang ang isang menor-de-edad sa ikinasang buy-bust operation ng Cavite PNP sa Brgy. Salawag, Dasmarinas, Cavite nito lamang Miyerkules, Nobyembre 23, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang suspek na sina alyas “Akisah”, 22, at alyas “Dom”, 17, pawang mga residente ng Block 3, Excess Lot, Brgy. Ismael, Dasmariñas, Cavite City.
Ayon kay PCol Olazo, bandang 11:30 ng umaga naaresto ang dalawang suspek sa naturang barangay ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit-Cavite.
Narekober sa dalawang suspek ang apat na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang na 50 gramo na nagkakahalaga ng Php340,000, isang pirasong Php500 bill at 12 pekeng Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay ng Cavite PNP ay bunga ng pinaigting na ugnayan at suporta ng mamamayan upang manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A