BiƱan City, Laguna ā Tinatayang Php104,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong Street Level Individual (SLI) sa ikinasang buy-bust operation ng BiƱan City PNP nito lamang Martes, Nobyembre 22, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang tatlong suspek na sina alias āBukolā, 23, residente ng Brgy. San Antonio, BiƱan City, Laguna; alyas āViamayraā, 23, residente ng Brgy. Sto. Domingo, BiƱan City, Laguna at alyas āRafaelā, residente ng Brgy. Pooc, Sta. Rosa City, Laguna.
Ayon kay PBGen Nartatez, naaresto ang tatlong suspek sa Brgy. Platero, BiƱan City, Laguna ng Drug Enforcement Unit ng BiƱan City Police Station.
Narekober sa mga suspek ang 12 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 16 gramo na nagkakahalaga ng Php104,000 at drug bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na paiigtingin ng PNP at mga mamamayan ang kampanya kontra ilegal na droga para mapanagot ang mga nagtutulak at gumagamit nito at mapanatili ang ligtas, maayos at mapayapang komunidad.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Taguinod