Nagtulong-tulong na nagsagawa ng tree planting activity ang PNP kasama ang ibang ahensya ng pamahalaan at mga Advocacy Support Groups sa Brgy. Supa, Tigbauan, Iloilo nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2022.
Sa naturang aktibidad ay lumahok ang mga tauhan ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PCMS Regie Acopicop sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Joeven Arevalo kasama ang Tigbauan Municipal Police Station.
Katuwang sa aktibidad ang Barangay Supa Council, Advocacy Support Group (Faith-Based), MENRO, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, KKDAT, at New Breed Guardians na kung saan humigit sa 200 na seedlings ang matagumpay na naitanim sa nasabig lugar.
Ito ay kaugnay sa programa ng Chief, PNP sa ilalim ng Peace and Security Framework na tinaguriang MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran, at bilang suporta sa programang KASIMBAYANAN na kumakatawan sa KApulisan, SIMBAhan at PamaYANAN tungo sa kaunlaran at mapayapang pamayanan.
Ang mga ganitong programa ay nagpapakita lamang ng isang matibay na ugnayan sa pagitan ng PNP pati na rin sa ibang ahensya ng pamahalaan at ng mamamayan para sa isang ligtas na komunidad.