Wednesday, November 27, 2024

Lalaking sangkot sa “Sanla-Scam” Modus arestado ng Holy Spirit PNP

Quezon City — Arestado ang isang lalaking sangkot sa “sanla-scam” modus sa isinagawang entrapment operation ng Holy Spirit Police Station (PS 14) sa Quezon City nito lamang Linggo, Nobyembre 20, 2022.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, PBGen Nicolas Torre III, ang suspek na si alyas Reymart Mirambil, 30, residente ng Karingal Street, Veterans Village, Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon kay PBGen Torre lll, bandang alas-9:50 ng gabi nang maaresto si Mirambil sa No. 204A Army Road Street, Barangay Holy Spirit, Quezon City ng mga follow-up operatives ng PS 14 ng QCPD.

Ayon pa kay PBGen Torre lll, ang testigo na si Mary Sheryl Grace Andaya Realce, 35, caretaker ng house and lot property na pag-aari ng kanyang tiyahin na si Maria Rita Andaya na nakatira sa ibang bansa ay napagkasunduang paupahan ang nasabing property kay Mirambil sa halagang Php20,000 kada buwan. Gayunman, nagpanggap ang suspek na siya ang may-ari ng nasabing ari-arian at isinangla ito kay Redison Sison Rigor, 34, sa halagang Php1,000,000 nang walang pahintulot sa may-ari.

Binigyan ng biktimang si Rigor ng Php850,000 si Mirambil noong Nobyembre 17, 2022 bilang paunang bayad habang ang natitirang balanse ay babayaran pagkatapos ng tatlong araw. Sa kabutihang palad, pinili ni Rigor na makipag-ugnayan kay Realce at nalaman niyang niloko siya ni Mirambil. Pagkatapos nito, agad niyang iniulat ang insidente sa PS 14.

Nabawi kay Mirambil ang Php60,000 na marked money.

Paglabag sa Paragraph 1 ng Article 316 ng Revised Penal Code o Other Forms of Swindling ang haharaping kaso ng suspek.

“Maging mabusisi po tayo lalung-lalo na sa mga nagsasanla ng mga ganitong ari-arian sapagkat talamak ang ganitong klaseng modus. Nagkukunwaring may-ari ngunit ang totoo ay hindi at minsan pa ay marami nang nakasanla dito. Ang bawat sentimo ay ating pinaghihirapan kung kaya’t nararapat lamang na mapunta ito sa tama. Mangyaring mag-ingat sa modus na ito at kung sakaling gusto mo ng isang mortgage property, napakaraming paraan para ma-verify ang tunay na may-ari nito,” ani PBGen Torre III.

Source: QCPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles