Cainta, Rizal – Tinatayang Php238,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa anim na suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Linggo, Nobyembre 20, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Rose”, 25, residente ng Marikina City; alyas “Jessie”, 58, residente ng Antipolo City; alyas “Darryl”, 28, residente ng Cainta, Rizal; alyas “Rey”, residente ng Marikina City; alyas “Bienvenido”, 52, residente ng Cainta, Rizal; at alyas “Venus”, 52, residente ng Marikina City.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 1:00 ng madaling araw naaresto ang mga suspek sa Mabolo Street, Sitio Balanti, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit.
Narekober sa mga suspek ang 13 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 36 gramo na nagkakahalaga ng Php238,000, isang Red/White Honda Motorcycle, tatlong pirasong Php100 bill, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang pouch.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.
Ang Rizal PNP sa pamumuno ni PCol Dominic Baccay ay hindi titigil sa pagsugpo sa mga taong sangkot sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatiling ligtas, maayos at tahimik ang komunidad.
Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A