Quezon City — Matagumpay na naisagawa ng Quezon City Police District (QCPD) ang Police Community Run for a Cause na ginanap sa QCPD Grandstand, Camp PMGen Tomas B Karingal, Sikatuna Village, Quezon City nito lamang Linggo, Nobyembre 20, 2022.
Ang aktibidad ay personal na nilahukan ni QCPD Director, PBGen Nicolas D Torre III kasama ang mga kapulisan mula sa iba’t ibang distrito ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), mga dependents at iba pang stakeholders.
Ang fun run ay mayroong tatlong kategorya – 10KM, 5KM at 2KM (Kiddie Run) na may registration fee na Php1,100, Php800 at Php500 kasama na ang Singlet, Medal Race bib na may timing chip, at loot bag.
Higit 600 runners ang lumahok sa aktibidad na kaugnay sa paparating na 83rd Founding Anniversary Celebration ng Quezon City Police District na may temang: “QCPD Tagapaglunsad ng Serbisyong may Malasakit, Patnubay ng Kaayusan at Kapayapaan, Kaagapay tungo sa Kaunlaran, katuwang ang Simbahan at Pamayanan ng Lungsod Quezon”, na may layuning isulong ang pagkakaisa sa pagitan ng pulisya at komunidad.
Ani PBGen Torre III, “Bilang bahagi ng misyon ng QCPD, ang run for a cause na ito ay mapupunta sa mga pamilya at dependent ng Warriors, Operators, Liberators Foundation (WOLF) Charity Movement sa pamamagitan ng pamimigay nila ng mga scholarship”.
“Bukod sa paglikom ng pera para sa isang karapat-dapat na layunin, ang aktibidad na ito ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa ating buhay ngunit nagpapahusay sa ating pakikipag-ugnayan sa lipunan sa komunidad,” dagdag pa ni PBGen Torre III.
Source: QCPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos