Camp Crame, Quezon City — Nakiisa ang PNP sa pagdiriwang ng ika-30th National Children’s Month sa bansa na may temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata” nito lamang Lunes, Nobyembre 21, 2022, na isinabay sa Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa Multi-Purpose Center, Camp Crame, Quezon City.
Panauhing pandangal si USEC Angelo M Tapales, Executive Director V Council for the Welfare of Children kung saan ayon sa kanya binibigyang tuon ngayong selebrasyon ang mental health and wellness ng mga bata.
Kanya ring pinasalamatan ang PNP at ibang ahensya ng gobyerno na tumutulong sa kanila upang maimplementa ng maayos ang mga batas patungkol sa karapatan ng bata, aniya, “Kung wala po ang PNP and other law enforcement offices, wala pong silbi ang ginagawa naming programa at polisiya kaya nagpapasalamat po kami sa inyo, malaki po ang utang namin sa PNP. Kami po ay nakasandal sa inyo. Ang aming mandato para isulong ang karapatan ng mga kabataan at protektahan sila laban sa masasamang tao ay magiging pangarap po lamang o goal na hindi po naming ma-aachieve kung wala ang kamay na nag-iimplementa nito katulad ng Philippine National Police.”
Kasabay ng naturang selebrasyon ay ang paggawad ng Certificate of Recognition kay Mr. Jayel Cramen ng Sagay City, Negros Occidental bilang Grand Winner sa ginanap na PNP Vlog Fest out of 82 entries, kung saan tampok ang paksa ng PNP Mantra na “Life is Beautiful, Kaligtasan Nyo Sagot Ko, Tulong-tulong Tayo.”
Ginawaran din ang 12 PNP personnel galing sa Women and Children Protection Center sa kanilang mga katangi-tanging gawa sa pag-rescue sa 29 POGO workers sa Brgy. Tambo, Parañaque City at mga menor de edad na biktima ng ilegal na droga, online sexual abuse, at sexual exploitation.
Sa mensahe naman ni Deputy Chief for Administration, Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, kanyang hinikayat ang buong hanay ng pulisya na palakasin pa ang karapatan ng mga bata at babae laban sa anumang uri ng pang-aabuso, aniya, “Let us continue strengthening the PNP with more vigor and sincerity in the pursuit of advancing children’s’ and women’s rights in defending their human rights from all forms of abuse, neglect and discrimination.”