Tanay, Rizal – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Tanay Municipal Police Station at Public Safety Field Training Program Special Action Force Class 2021-01 sa Sitio Touy, Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal nito lamang 8:00 ng umaga ng Sabado, Nobyembre 19, 2022 .
Ang aktibidad ay kaugnay sa 30th National Children’s Month Celebration na may temang “Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan!”
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Bernard Tannagan sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Rodolfo Santiago II, Chief of Police ng Tanay Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng Logistic Support Service, Sangguniang Kabataan, Barangay Officials at mga Local Government Units.
Namigay ng food packs, hygiene kits at IEC materials.
Nagsagawa rin ng lectures, feeding program, libreng gupit at mga serbisyong medikal sa mga magulang at estudyante na dumalo sa naturang aktibidad.
Layunin nito na maipakita ang malasakit at mabuo ang mas maigting na ugnayan ng Tanay PNP at komunidad.
Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A