Sarangani Province – Nagmistulang sasakyang de makina ang mga kabayo ng Sarangani PNP ng kanilang gamitin ang mga ito sa paghahatid ng Relief Goods sa mga bulubunduking bahagi ng Sarangani Province nito lamang Ika-18 ng Nobyembre 2022.
Matatandaan na ang mga kabayong ginamit ng kapulisan ng Sarangani Police Provincial Office ay isa sa pinasimulang proyekto ni Police Brigadier General Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12 alinsunod sa kanyang programang Project H.O.R.S.E. (Hinterland Operational Response for Services and Emergencies).
Mabilisang naipadala ng Sarangani PNP ang mga Grocery Packs/Food Packs sa mga daan-daang residente na naninirahan sa mga bulubunduking bahagi ng probinsiya.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente dahil aniya hindi nila inaasahan na makakatanggap agad ang mga ito ng agarang tulong mula sa pamahalaan.
Matatandaan na ang Sarangani ay isa sa probinsya na naapektuhan noon ng bagyong Paeng at kasalukuyan naman ay nakakaranas na naman ang mga ito ng pagbaha dala ng malakas na bugso ng ulan at hangin dala ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Tinitiyak naman ni PBGen Macaraeg sa patuloy na paglulunsad ng programa nitong Project HORSE, sa pamamagitan nito ay agarang maibibigay ang tunay na serbisyo at pagmamalasakit sa ating mamamayang nasa laylayan.
Source: Sarangani Police Provincial Office
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin