Bolinao, Pangasinan – Timbog ng Bolinao PNP ang Top 7 Provincial Most Wanted Person sa Brgy. Sampaloc, Bolinao, Pangasinan nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Resty Santos, Chief of Police ng Bolinao PNP, ang suspek na si alyas “JM”, 18, at residente ng Brgy. Macabit, Bani, Pangasinan.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Santos, naaresto ang suspek bandang 9:00 ng gabi sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga operatiba ng Bolinao PNP bilang lead unit at Criminal Investigation Detection Group – Pangasinan.
Nahaharap ang suspek sa kasong Sexual Abuse na walang rekomendadong piyansa.
Ang operasyon ng Bolinao PNP ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Bolinao Municipal Police Station
Panulat ni Pat. Viljon Anthony A. Comilang