Saya at kaalaman ang hatid nang bumisita ang mga miyembro ng Solana Police Station sa Nangalisan Elementary School, Barangay Nangalisan, Solana, Cagayan noong ika-17 ng Nobyembre 2022.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Darwin John Urani, Acting Chief of Police ang pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa Anti-Bullying Act of 2013 sa mga Grade 1 pupils.
Aktibong nakilahok ang mga bata sa talakayan. Kaya’t bilang premyo sa kanila ay nagsagawa rin ang mga kapulisan ng feeding program na lalong nagbigay ngiti sa mga mag-aaral.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng kaalaman kahit ang mga musmos na bata na tungkol sa nabanggit na batas at upang mahubog sila na may pagpapahalaga sa sarili at paggalang sa kapwa.
Alinsunod ito sa PNP Oplan BES o Bisita Eskwela I am Strong na naglalayong masiguro ang katahimikan at kaayusan ng mga paaralan at ilapit ang mga kabataan sa kapulisan.
Source: Solana Police Station
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi