NAIA Terminal 2, Pasay City – Dahil sa ulat ng isang cabin crew mula sa flight ng Philippine Airlines galing Hongkong ay nadiskubre ang mga inabandonang alahas ng dalawang pasahero ng naturang flight nito lamang ika-17 ng Nobyembre 2022.
Ang mga alahas ay itinago ng dalawang pasahero ng nasabing flight sa loob ng comfort room ng eroplano, kaya naman pagkalapag ng eroplano bandang 2:30 PM ng Nobyembro 17 ay agad na nag- report ang PAL Manager sa PAL Station at AVSEU Station para sa agarang inspeksyon sa mga naturang alahas.
Agad namang dumating ang EOD/K9 nang makatanggap ng tawag at masusing isinagawa ang sweeping at ION scanning upang matiyak kung mayroong lead content ang mga alahas at kalauna’y naging negatibo ang resulta.
Ayon sa ulat, ang mga alahas ay may kabuuang timbang na 24.2 kilos na may tinatayang halaga na Php80 milyon.
Ang mga nadiskubreng alahas ay nasa kustodiya na ng Bureau of Custom para sa kaukulang disposisyon.
Ang naging mabilis na aksyon ng mga nabanggit na grupo ay nagpapakita lamang ng kahandaan ng ating mga kapulisan sa anumang sitwasyong maaari nilang makaharap.