Bacoor City, Cavite -Tinatayang Php1,360,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa isang High Value Individual sa ikinasang joint buy-bust operation ng PDEA at CALABARZON PNP sa Badjao St., Brgy Molino VII, Bacoor City, Cavite nito lamang Huwebes, Nobyembre 17, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Ducay”, 30, window bling staller, residente ng Block 8, Saint Joseph, Avenue, Brgy. Pulang Lupa II, Las Pinas City.
Ayon kay PCol Olazo, bandang 8:30 ng gabi naaresto ang suspek sa ng mga pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit 4A, Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit Cavite, Bacoor City Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency 4A, Regional Intelligence Unit 4A-Provincial Intelligence Team Laguna at PNP Drug Enforcement Group-Special Operation Unit 4A.
Narekober sa suspek ang dalawang pirasong nakataling plastic bag na tumitimbang ng 200 gramo na may tinatayang halaga na Php1,360,000, isang pirasong Php1,000 bill, 99 pirasong Php1,000 fake bill, isang bundle na fake Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money na nagkakahalaga ng Php200,000, at isang itim na Mio i 125S motorcycle.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ang tagumpay ng PNP laban sa ilegal na droga ay bunga ng pakikipag-ugnayan at suporta ng mamamayan upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon