Nueva Ecija – Nagbalik-loob ang 20 miyembro ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa Nueva Ecija Task Force to End Local Communist Armed Conflict at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa Brgy. Kawayan Bugtong, Guimba, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, Nobyembre 17, 2022.
Ayon kay Police Colonel Richard Caballero, Officer-In-Charge ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang mga 20 na sumuko ay mga magsasaka at pawang mga residente ng Guimba, Nueva Ecija.
Ayon pa kay PCol Caballero, dahil sa pagsisikap ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office na mahikayat ang dating rebelde na bumalik sa pamahalaan kasama ang Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 3, Philippine Army, at National Intelligence Coordinating Agency 3.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagpapaigting ng pangangampanya laban sa insurhensiya at terorismo tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bayan.
Source: Nueva Ecija Police Provincial Office
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3