Lamut, Ifugao – Nagsagawa ng PNP Outreach Program at Information Drive ang mga tauhan ng Ifugao 1st Provincial Mobile Force Company sa Mongilit- Ligmayo Memorial Elementary School, Ambasa, Lamut, Ifugao nito lamang Biyernes, Nobyembre 18, 2022.
Ang aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang, “Bonus Ko, IBahagi Ko,” kung saan ay nagbigay kontribusyon ang mga kapulisan sa kanilang natanggap na Year End Bonus bilang pondo para maisagawa ang aktibidad.
Naging matagumpay ang aktibidad kung saan ay nakapamahagi ng 88 assorted school supplies, hygiene kits, 90 pares ng tsinelas, 8 rim ng bond paper sa mga estudyante at guro ng nasabing paaralan, gayundin ang libreng gupit at tuli.
Nagbigay edukasyon din tungkol sa Anti-Bullying, Rape Prevention, Anti-Terrorism at Anti-Illegal Drugs.
Labis naman ang pasasalamat ng mga estudyante, guro at mga magulang sa mga ibinahagi at serbisyo ng ating pulisya.
Ang Ifugao PNP ay patuloy na maghahatid ng tulong at serbisyo para sa mga kababayan at kabataan, gayundin na mahikayat ang komunidad na suportahan ang mga programa ng pamahalaan tungo sa kapayapaan.
Source: Ifugao 1st Provincial Mobile Force Company